Mga Congresswoman, hinimok na katigan ang death penalty bill

By Isa Avendaño-Umali December 08, 2016 - 06:31 PM

CORTUNAHinikayat ni A-Teacher PL Rep. Julieta Cortuna ang mga kapwa babaeng mambabatas na suportahan ang panukala na buhayin ang death penalty.

Binigyang diin ni Cortuna na sa nasabing panukala nakasalalay ang proteksyon ng kinabukasan ng mga kababaihan maging ng nga kabataan, lalo ng mahihirap.

Ipinaalala ni Cortuna na maraming kaso ng rape with murder ang may kaugnayan sa iligal na droga.

Nangangamba ang lady solon na dahil ang pinakabatang adik ngayon sa droga ay na sa edad siyam na taong gulang lamang.

Kasabay nito, hinikayat ni Cortuna ang mga kasamahang kongresista na suportahan si House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagsusulong death penalty bill.

Bagama’t tinaguriang “unpopular bill” ito, malinaw na layong nitong mabigyang tulong ang mga biktima ng karumal-dumal na krimen.

Si Alvarez ang pangunahing may akda ng death penalty bill sa Kamara.

TAGS: A-Teacher PL Rep. Julieta Cortuna, death penalty bill, A-Teacher PL Rep. Julieta Cortuna, death penalty bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.