Pang. Duterte, hindi mastermind sa Espinosa killing ayon sa Palasyo

By Chona Yu December 08, 2016 - 04:10 PM

malacanang-fb-07234Pumalag ang palasyo ng Malakanyang sa akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang mastermind sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa Baybay Subprovincial Jail.

Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, haka-haka lamang ni Trillanes ang naturang pahayag at hindi naman maaring kontrolin ng palasyon ang kanyang mga opinion.

Kasabay nito, sinabi ni Banaag na malinaw ang utos ng pangulo sa mga pulis na gampanan ang kanilang tungkulin sa pagsugpo sa iligal na droga.

Wala naman aniyang espisipikong utos ang pangulo na patayin si Espinosa.

Hindi aniya patas na i-interpret ang naging pahayag kahapon ng pangulo na kinakampihan niya ang mga pulis dahil iniutos niyang ipapatay si Espinosa.

TAGS: Senador Antonio Trillanes IV, Senador Antonio Trillanes IV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.