EO na bubuo ng komite para pag-aralan ang 1987 Constitution, inilabas ni Duterte

By Len Montaño December 08, 2016 - 12:25 PM

Duterte ISISNaglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order na bubuo sa 25-man consultative committee na magre-review ng 1987 Constitution.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, inilabas ng pangulo ang EO noong Martes at isasapubliko ngayong araw.

Binanggit ni Medialdea ang tungkol sa EO ukol sa review ng Saligang Batas sa unang araw ng pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes kasama ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation on Various Proposals to Amend or Revise the Constitution.

Paliwanag ng Palace official, dalawamput-limang indibidwal ang bubuo sa consultative committee para pag-aralan ang 1987 Constitution.

Iginiit ni Medialdea ang posisyon ng pangulo na kailangang amyendahan o baguhin ang konstitusyon partikular ang nais nitong magkaroon ng federal form of government mula sa kasalukuyang presidential.

Inulit din ng opisyal ang nais ng presidente na gawin ang panukalang charter change sa pamamagitan ng constituent assembly dahil mas tipid ito at mas credible and resulta.

Sa paraan naman ng botohan, naniniwala aniya ang pangulo na dapat hiwalay na magbotohan ang Senado at Kamara.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.