Pag-apruba sa Death Penalty bill, minadali ayon kay VP Robredo

By Ricky Brozas December 08, 2016 - 11:40 AM

Leni RobredoMinadali umano ng House Committee on Justice ang pag-apruba sa panukalang batas na magbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ito ang tahasang sinabi ni Vice President Leni Robredo na nagpahayag ng matinding pagkabahala dahil ipinasa umano ito para lamang mapagbigyan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Robredo na ginawa ito ng Kamara kahit walang naipakitang pag-aaral na magpapatunay na mabisa ang pagpataw ng death penalty sa pagsugpo ng krimen.

Tila pinangaralan pa ni Robredo ang mga Kongresista nang sabihin nitong dapat sana ay ang kapakanan ng nakakarami ang isinasaalang-alang at hindi ang pagsunod sa utos ng iisang tao lamang.

Paliwanag pa ng Pangalawang Pangulo, nakalimutan ng mga miyembro ng Committee on Justice na pumirma noon ang ating bansa sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa Pilipinas na ibalik ang parusang Kamatayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.