Amyenda sa Sin Tax Law, aprubado na sa 2nd reading sa Kamara
Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang amyenda sa Sin Tax Law.
Sa inaprubahang panukala sa second reading, pananatilihin sa 2 tier ang sistema ng buwis sa mga sigarilyo.
Kapag naging batas ito, ang buwis sa mga high end na sigarilyo ay papalo na sa 36 pesos kada pakete.
32 pesos naman ang buwis sa bawat pakete ng low end na sigarilyo.
Ang mga sigarilyo na P11.50 pababa ang net retail price ay itinuturing na low end habang ang mas mataas sa halagang ito ang nasa kategorya ng high end.
Tinatayang 12 hanggang 18 billion pesos ang kikitain ng gobyerno sa unang taon ng implementasyon nito.
Sakaling bigo naman itong maipasa ng Kongreso, tuloy ang unitary system ng buwis sa lahat ng uri ng sigarilyo kung saan 30 pesos na ang magiging buwis nito bawat pakete.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.