Ilang shabu lab sa Kabundukan ng Maguindanao, natuklasan ng militar ayon kay Duterte
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang shabu laboratory sa kabundukan ng Datu Piang at Buldon sa Maguindanao ang nadiskubre ng militar.
Sa kanyang talumpati kagabi sa United Nations Convention against Corruption sa Rizal Hall sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na ito ang lumabas sa isinagawang command conference matapos ang change of command sa Armed Forces of the Philippines kahapon.
Ayon sa pangulo, may koneksyon ang extremism sa Mindanao at ang iligal na droga.
Ginagawa umano ng grupong Maute na gasolina ang iligal na droga partikular ang shabu para maipagpatuloy ang kanilang operasyon sa pagpapalaganap ng terorismo.
Dahil dito agad na iniutos ng pangulo sa AFP ang agarang operasyon laban sa illegal drugs sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.