Dead on the spot ang isang 47 anyos na ginang matapos pagbabarilin sa Port Area, Manila.
Kinilala ang biktima na si Nora Asilo na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad lamang ang biktima sa Rail Road Street Port Area upang ihatid ang kanyang dalawang anak sa school nang barilin ng suspek na nakasuot ng kulay pulang hoodie jacket.
Sinabi naman ni Barangay Ex-O na si Rodolfo Trona ng Barangay 650, Zone 68 na mabait ang biktima at ang pamilya nito kaya hindi masabi na may kaugnayan ito sa droga.
Nakarecover ang pulisya ng dalawang basyo ng kalibre 45 sa pinangyarihan ng insidente.
Nagsasagawa na ngayon ng follow-up operation ang pulisya kaugnay sa nasabing krimen.
MOST READ
LATEST STORIES