Hinihinalang tulak ng droga, patay sa Caloocan

By Jong Manlapaz December 08, 2016 - 06:55 AM

Caloocan shootout
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa isang iskinita sa Barangay Otso, Dagat-dagatan, Caloocan matapos makipagbarilan sa mga pulis.

Ayon kay Caloocan Police chief Senior Superintendent Johnson Almazan, talamak na tulak sa lugar ang napatay na si Ernesto Atienza, 42 yrs old.

Ipinagmamalaki pa umano ng suspek na may kaibigan itong pulis kaya hindi nahuhuli.

Dahil dito, isang buy bust operation ang ikinasa laban kay Atienza na nagresulta ng pagkasawi nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya binunot nito ang kanyang 45 caliber na baril.

Pero naunahan siya ng mga pulis kaya agad siyang pinaputukan na nagresulta ng kanyang pagkakasawi.

Bukod sa baril, nakuha sa crime scene ang may 15 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.