2,000 empleyado mawawalan ng trabaho sa pagpapasara sa Fontana

 

Tinatayang nasa 2,000 na trabahador at empleyado ng Fontana Leisure Parks and Casino ang mawawalan ng trabaho matapos suspindehin ng Clark Development Corp. (CDC) ang certificate of registration at tax exemption ng Fontana Development Corp.

Ito ay bunsod ng nakabinbin pang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng online gaming operations ni Jack Lam sa nasabing resort.

Binubuo ng 1,200 na regular na empleyado ang mga maapektuhan nito, habang ang natitirang iba pa ay mula sa manpower services o nagtatrabaho lang per activity o kaya ay on call basis.

Dahil dito, Department of Labor and Employment (DOLE) Central Luzon director Ana Dione ang personnel deparment ng Fontana na magbigay muna ng notices of temporary layoff sa mga empleyado nila.

Bukod sa kaniyang online gaming operations, iniimbestigahan rin si Lam dahil sa pagpasok ng mga Chinese na empleyado na walang working visas at overstaying na dito sa bansa.

Paalala naman ni Dione, dapat bayaran pa rin ng Fontana ang Christmas bonuses ng mga empleyado at hindi dapat ma-forfeit ang kanilang mga vacation leaves.

Dahil rin sa pagsasara ng Fontana, inaasahang mawawalan rin ang CDC ng nasa P79 milyong halaga ng lease revenue.

Read more...