‘Oplan Splinter’ upang patalsikin si Pangulong Duterte, pinabulaanan ng Magdalo
Mariing itinanggi ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang mga kumakalat na text messages na nagbabalak sila ni Senador Antonio Trillanes na ikudeta si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa text messages na natanggap kahit ng ilang taga-media, sina Trillanes at Alejano raw ang nasa likod Oplan Splinter: Oust Du30 na ilulunsad sa huling linggo ng Disyembre.
Base pa sa text messages, ang natagpuang improvised explosive device o IED malapit sa U.S. embassy at serye ng bomb threats ay bahagi ng Oplan Splinter.
Pero ayon kay Alejano, walang katotohanan ang nilalaman ng text messages, kasabay ang pagkundena sa ganitong alegasyon.
Giit ng kongresista, ang Magdalo ay hindi mga terorista para gawin ang pagtatanim ng bomba o ang mga pananakot.
Dagdag pa ni Alejano, ang magdalo ang huling gagawa ng bagay na magbibigay katwiran kay duterte para magdeklara ng Martial law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.