Eroplano nag-crash sa Pakistan, 48 patay
Patay ang lahat ng 48 sakay ng isang eroplano ng bansang Pakistan makaraang bumagsak ito sa northern Pakistan.
Ayon sa mga Pakistani officials, lumipad mula sa bayan ng Chitral na isang kilalang tourist destination malapit sa Pakistan-Afghanistan border ang Pakistan International Airlines flight no. PK 661 at patungo sana sa Islamabad.
Gayunman, hindi na ito nakarating sa kanyang destinasyon at nag-crash at masunog sa kabundukan malapit sa syudad ng Havelian, Abbottabad.
Kasama sa nasawi ang 42 pasahero, limang crew at isang ground engineer.
Kabilang rin sa mga namatay sa trahedya ang dating Pakistani pop singer at televangelist na si Junaid Jamshed.
Agad namang naglunsad ng imbestigasyon ang Pakistani Civil Aviation Authority upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.