25 ang patay sa lindol sa Banda Aceh, Indonesia
(UDPATE) Dalawampu’t lima na ang naitalang nasawi sa lindol na tumama sa Banda Aceh, Indonesia.
Sa update mula sa US Geological Survey, itinaas sa magnitude 6.5 ang lakas ng lindol mula sa naunang iniulat na magnitude 6.4.
Hindi naman naglabas ng tsunami warning, pero may mga gusaling nasira bunsod ng lindol.
Ayon kay District official Apriadi Achmad, may isang bahay sa Pidie Jaya ang nawasak at pinangangambahang may mga na-trap sa loob nito.
Naramdaman ang lindol sa malaking bahagi ng Aceh, na noong 2004 ay nasalanta ng Indian Ocean tsunami.
Ayon sa National Disaster Management Agency (BNPB) ng Indonesia, may mga bahay at tindahan na gumuho at may mga residente ang nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.