Kill ratio sa police anti-drug ops: 97%

 

May sapat na batayan upang masabi na sinasadya ng mga otoridad na iligpit ang mga nasasangkot sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na droga sa Pilipinas.

Sa pagasasaliksik ng Reuters, lumalabas na sa 51 kaso ng police buy bust operations, nasa 100 drug suspects ang napatay matapos umanong manlaban sa mga otoridad samantalang tatlo ang nasugatan.

Ito, ayon sa Reuters ay katumbas ng 97 percent na ‘kill ratio’ sa mga police operations.

Ito ay mas mataas kung ikukumpara sa ibang bansa na may malalaking insidente rin ng drug-related violence tulad ng Brazil.

Pare-pareho rin ang mga statement ng mga pulis sa kanilang dahilan kung bakit napapatay ang mga naakusahang sangkot sa droga.

Ito ay ang pagtatangka umanong bumunot ng baril ng mga suspek kaya’t napipilitan silang gantihan ng putok ang mga ito.

Gayunman, marami anila sa mga kaanak ng mga biktima at maging mga nakaliligtas sa mga insidente ay nagsasabing wala silang armas nang sila ay paputukan ng mga otoridad.

Bukod sa nasa mahigit 2,000 napapatay sa police operations, iniimbestigahan rin umano ng PNP ang nasa 3,060 nasawi sa kamay ng umano’g mga death squad o vigilante group at salvage na naitala sa ilalim ng unang limang buwan ng Duterte Administration.

Read more...