Shellfish ban, ipinatupad sa ilang bahagi ng Visayas

By Kabie Aenlle December 07, 2016 - 04:20 AM

 

Inquirer file photo

Nagpatupad ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng shellfish ban sa ilang bahagi ng Visayas, matapos itong mag-positibo sa presensya ng paralytic shellfish poison.

Sa pinakahuling Shellfish Bulletin ng BFAR kahapon, tinukoy nila ang mga lugar na nagpositibo sa paralytic shellfish poison at ito ay ang mga sumusunod:

– Irong-irong at Cambatutay bays sa Western Samar;
– Matarinao bay sa Eastern Samar;
– baybayin ng Leyte;
– baybayin ng Calubian at ang Carigara bay sa Leyte;
– baybayin ng Gigantes Islands sa Carles, Iloilo;
– at baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.

Dahil sa nasabing shellfish ban, pinayuhan ng BFAR ang publiko na huwag muna mag-ani, mag-benta, bumili o kumain ng mga shellfish sa mga nabanggit na lugar, dahil hindi ito “safe for human consumption.”

Gayunman, maari pa rin naman kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta siguraduhing sariwa ito at natanggal na ang mga hasang at bituka bago iluto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.