Martial law dahilan ng pagsipa kay Robredo, Duterte di na kumportable sa VP
Kumbinsido ang Magnificent 7 ng Kamara na may ibang rason si Pangulong Rodrigo Duterte kaya initsapwera sa gabinete si Vice President Leni Robredo.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na maaaring ayaw ni Duterte na magkaroon ng access si Robredo sa mga balak ng administrasyon lalo na ang mga napag-uusapan sa cabinet meetings.
Aniya pa, posibleng may secret plans ang Duterte government na gusto talagang i-sikreto kay Robredo.
Ayon kay Lagman, hindi imposible ang kanyang hinala dahil hindi sagradong parte ang administrasyon si Robredo.
Kabilang aniya sa mga plano ay ang Martial Law, kung saan ngayon ay nakikitang urong-sulong ang Palasyo.
Para naman kay Cebu Rep. Raul Daza, mistulang babala para sa ibang cabinet members ang ginawa ni Pangulong Duterte kay Robredo.
Maaalala ayon sa mambabatas na sinabi ni dating Presidente Fidel V. Ramos na malinaw na ‘divided’ ang gabinete ni Duterte na nagplano sa pagpapatalsik kay Robredo sa grupo.
Samantala, inamin ng Malacañang na indi naging kumportable si Pangulong Rodrigo Duterte sa political actions ni Vice President Leni Robredo kung kaya inatasan ito na huwag nang dumalo sa mga cabinet meeting.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kapag kasi hindi na naging kumportable ang pangulo sa isang cabinet member ay may karapatan itong magpalit ng isang miyembro.
Una rito, sinabi ng palasyo na ang “irreconcilable differences” ang dahilan kung kaya pinagbawalan si Robredo na dumalo sa mga cabinet meeting.
Kasabay nito, inatasan ng malakanyang ang mga cabinet members na kung maari ay gawing discreet na lamang ang mga personal na pananaw ukol sa mga polisiyang ipinatutupad ni Pangulong Duterte.
Hindi naman sinabi ng tagapagsalita ng pangulo kung mayroon pa bang ibang miyembro ng gabinete ang hindi na nila padadaluhin sa mga pulong sa mga darating na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.