Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na palalayain niya ang mga political prisoners sa loob ng apatnapu’t walong oras.
Ito ay kung makapaglabas sina Government Chief Peace Negotiator Silvestre ‘Bebot’ Bello III at panel member Angela Librado-Trinidad ng pirmadong bilateral ceasefire agreement.
Ayon kay Bello, ito ang tiniyak sa kanya ng pangulo.
Una rito, sinabi ng pangulo na palalayain niya ang mga rebeldeng matatanda at maysakit bago ang mismong araw ng Pasko.
Sa ngayon, aabot na sa dalawampu’t isang rebel leaders na nakakulong at nagsisilbing consultant ng National Democratic Front ang pinalaya na ng Duterte administration.
Pero aabot sa dalawang daang political detainees ang inihihirit ng NDF na palayain ni Duterte.
Nauna dito ay nagbanta rin ang rebeldeng grupo na uurong sila sa ginaganap na peace talk kapag hindi pinagbigyan ang hirit nila na pagpapalaya sa mga leader ng komunistang grupo.