Hirit ni Revilla na ibasura ang kanyang plunder case ibinasura ng SC

By Alvin Barcelona December 06, 2016 - 03:53 PM

Bong-Revilla-21
Inquirer file photo

Ibinasura ng Supreme Court ang petisyon ni dating Senador Bong Revilla na baligtarin ang findings ng Ombudsman na probable cause sa kinakaharap nitong kasong plunder.

Kaugnay ito ng kinakaharap ng dating mambabatas na P224 Million pork barrel scam sa Sandiganbayan.

Sa botong 13-1-1 ay binalewala ng mayorya ng mga mahistrado ng Mataas na Hukuman ang apela ni Revilla na ibasura ang kanyang kaso dahil sa kawalan ng probable cause.

Tanging si Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco Jr. ang nagbigay ng disenting vote habang hindi naman lumahok sa botohan si Associate Justice Francis Jardeleza na dating naglingkod bilang Solicitor General.

Si Revilla kasama sina dating Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile ay matatandaang kinasuhan ng Ombudsman ng plunder dahil sa diumano’y diversion ng discretionary fund nila sa mga pekeng non-govermental organizations kapalit ng milyon milyong pisong kickback.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang kampo ng dating mambabatas hingil sa nasabing isyu.

TAGS: Bong Revilla, plunder, Pork scam, Supreme Court, Bong Revilla, plunder, Pork scam, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.