Isa pang suspek sa pagtatanim ng bomba malapit sa U.S Embassy arestado
Nasakote na rin ng Philippine National Police ang ikatlo sa limang mga itinuturing na suspek sa pagtatanim ng Improvised explosive Device (IED) Roxas Boulevard malapit sa US Embassy sa Maynila kamakailan.
Ayon kay National Capital Regional Police Officer Director Oscar Albayalde, naaresto sa isang hindi binanggit na lugar malapit sa Metro Manila ang ikatlong suspek na hindi muna kinilala.
Hindi rin idinetalye ni Albayalde kng kailan naaresto ang suspek na nakapiit ngayon sa detention center ng NCRPO.
Paliwanag ni Albayalde, unang inakala na nasa Mindnao at nagtago na ang suspek pero napag alaman na nandito lang pala sa Metro Manila.
Nakatakdang ipresenta ni Albayalde ang suspek bukas sa Camp Crame.
Nauna nang naaresto ng mga tauhan ng PNP ang dalawang suspek sa pagtatanim ng pampasabog na sina Rashid Kilala at Jiacher Guinar.
Una nilang inilagay sa Luneta ang IED pero hindi ito sumabog hanggang sa napagdesisyunan nila na iwan ito sa isang basurahan malapit sa U.S Embassy pero nabigo rin sila na ito’y pasabugin hanggang sa matagpuan ng isang street sweeper sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.