Escalator ng MRT sa Taft Station, nagka-aberya, 10 pasahero ang nasaktan
Nasaktan ang hindi bababa sa sampung pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) matapos na magka-aberya ang escalator nito sa bahagi ng Taft Avenue station.
Ayon kay MRT General Manager, Engr. Deo Manalo, biglang huminto ang andar ng escalator dahilan para masaktan ang mga pasaherong gumagamit nito.
Pawang minor injuries lamang aniya ang tinamo ng mga pasahero, pero isa sa kanila ay napilayan sa kamay.
Karamihan din sa kanila ay agad nakauwi matapos malapatan ng lunas.
Naganap ang insidente pasado alas 10:00 ng umaga ng Martes.
Sa post sa twitter account ng DOTC-MRT3, sinabi nitong tinulungan ng kanilang medical personnel ang mga pasahero na nasaktan sa escalator sa Taft Station.
Inaalam na rin ng pamunuan ng MRT kung ano ang naging dahilan ng pagpalya ng escalator.
Medical personnel have been mobilized to assist passengers at the Taft Stn escalator. We are now looking into the cause of the malfunction.
— DOTC-MRT3 (@dotcmrt3) December 6, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.