Pambato ng Pilipinas, pasok sa Miss World 2016 Talent grand finals

FB Photo | Miss World
FB Photo | Miss World

Isa ang pambato ng Pilipinas sa iilang kandidata ng Miss World 2016 ang napili na makapasok sa Grand Finals ng talent portion ng Miss World.

Si Catriona Gray kasama ang siyam na iba pang kandidata ay sasabak sa Miss World 2016 Talent grand finals sa December 18.

Ang mananalo ang siya namang mabibibgyan ng pagkakataon na makapag-perform on stage sa mismong araw ng coronation ng Miss World 2016.

Makakalaban ni Gray na nagpakita ng talento sa pag-awit, sina Miss Poland, singer; Miss Hungary, Acrobat; Miss Latvia, dancer; Miss Mongolia, magician; Miss Chile, violinist; Miss Croatia, singer; Miss Malta, dancer; Miss Ukraine, Pianist & Dancer; at si Miss Canada, pianist.

Ayon sa Facebook Page ng Miss World, ang publiko ang pipili ng mananalo sa pamamagitan ng pagboto.

Nakatakda namang ilabas bukas kung paano ang proseso ng pagboto.

 

 

Read more...