Aabot sa 2,000 pamilya, apektado ng pagbaha sa Dipolog City

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2016 - 10:22 AM

FB PHOTO | MIRA CUO
FB PHOTO | COURTESY OF MIRA CUO

Umabot na sa 2,000 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa Dipolog City.

Sa datos ng City Social Welfare and Development Office (CDRRMO) ang humigit kumulang sa 2,000 pamilya na apektado ng naturang pagbaha na nagmula sa Barangay Biasong, Estaka, Lugdungan, Turno, Gulayon, Dicayas, Minaog at Olingan.

Ayon kay City Agriculture head Engr. Kerr Porlas umaabot sa mahigit 300 na ektarya ng bagong tanim na palay ang sinira ng malawakang pagbaha mula sa mga barangay Punta, Olingan, Galas at Turno habang nasa 150 hectares naman ng maisan ang nasira mula Sangkol, San Jose at Cogon.

Simula pa noong linggo ay nakaranas na ng pag-ulan sa Dipolog na nagresulta sa malawakang pagbaha.

Sa abiso naman mula kay mula kay City Mayor Darel Dexter Uy suspendido pa rin ang klase ngayong araw sa Sto. Niño Polanco Elementary School, Lugdungan Elementary School, Sta. Isabel Elementary School, Lower Dicayas Elementary School at Minaog Elementary School.

 

TAGS: Dipolog City, flood, Dipolog City, flood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.