Kamara, target pa ring ipaaresto si Sen. Leila de Lima

By Isa Avendaño-Umali December 06, 2016 - 08:23 AM

Kuha ni Richard Garcia
Radyo Inquirer File Photo | Richard Garcia

Bukas pa rin ang posilidad na ipaaresto ng Kamara ni Senadora Leila de Lima.

Ito’y kaugnay pa rin sa kabiguang tugunan ang show cause order na inisyu ng mababang kapulungan dahil sa umano’y pagharang ni De Lima na dumalo sa Bilibid probe si Ronnie Dayan.

Pero inamin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kailangang pag-isipang mabuti at mag-ingat ang kamara dahil sadyang ‘very scheming person’ si De Lima.

Paliwanag ng house speaker, baka raw gamitin ito ng senadora para makakuha ng simpatya sa publiko, at magkunwaring inaapi ng mga kongresista na kung tutuusin ay hindi naman.

Sa kabilang nito, umaasa si Alvarez na masundan na ng prosecution o paglilitis para kay De Lima.

Sa kasalukuyan ay naghihintay umano ang lider ng kamara ng rekumendasyon mula kay House Justice Panel Chairman Rey Umali sa kung ano ang dapat gawin makaraang dedmahin ni De Lima ang show cause.

Kabilang sa mga itatambak na hakbang ng kamara laban kay De Lima ay paghahain ng reklamo sa ethics committee ng senado, pagsasampa ng disbarment case sa Korte Suprema, kakasuhan dahil sa panghihimasok sa proseso ng kapulungan at indirect contempt.

 

 

 

TAGS: House of Representatives, leila de lima, Pantaleon ALvarez, Rey Umali, House of Representatives, leila de lima, Pantaleon ALvarez, Rey Umali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.