Inaasahang lalabas na ang bagyong Hanna sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng hapon, araw ng Sabado.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo ay huling namataan sa layong 320km Northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 165 kilometers kada oras at pabugsong 200 aabot sa kilometers kada oras.
Nananatiling sa West Northwest ang direksyon nito sa bilis na 20 kilometers kada oras.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes kasama ang Itbayat at signal number 1 naman sa Calayan at Babuyan Group of Islands at hilagang bahagi ng Cagayan.
Bagaman palabas na ng bansa bukas ng hapon, ang habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna ay inaasahang makapagpapaulan pa rin sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Visayas./Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.