WATCH: Pamamaril sa dalawang 18-anyos na lalaki sa Makati, nakuhanan ng CCTV

Dalawang binatilyo na ang edad ay kapwa disi otso ang walang awang tinadtad ng bala sa bahagi ng Rockefeller kanto ng P. Binay Street, Barangay San Isidro, Makati City, Martes ng madaling araw.

Nadala pa sa ospital sina Ace Bacoro at Randy Gruyon, pero parehoing idineklarang dead on arrival.

Ayon sa mga saksi, nag-iinom ang dalawa kasama ang kanilang mga tropa nang may apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo ang huminto sa tapat nila.

Bumaba ng motorsiklo ang dalawang angkas, at saka pinagbabaril sina Bacoro at Gruyon.

Maraming beses umano nagpaputok ng baril ang mga suspek, sa katunayan umabot sa hindi baba sa 20 basyo ng bala ang nakuha sa crime scene.

Kitang-kita din sa CCTV sa lugar ang pagpapaulan ng bala ng mga suspek sa dalawa.

Tila hindi rin inalinta ng mga suspek ang dami ng tao na naroroon sa lugar nang isagawa nila ang krimen.

Ayon sa tiyuhin ni Randy na si Raymond, minsan nang nahuli ang kaniyang pamangkin dahil sa marijuana.

 

Read more...