Tatlong magkakahiwalay na insidente ng sunog naganap sa Metro Manila
Tatlong magkakahiwalay na sunog ang sumiklab sa Metro Manila, simula kagabi hanggang madaling araw ng Martes.
Unang naganap ang sunog sa bahagi ng Rodriguez Compound, C. Raymundo, Barangay Rosario Pasig City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Beatriz Andaman, 64 anyos.
Umakyat pa sa ikalimang alarma ang sunog ganap na alas 9:50 ng gabi, bago maideklarang under control.
Nasa sampung bahay naman ang natupok sa nasabing sunog at umabot sa kalahating milyong piso ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.
Samantala, sa Las Piñas City, nasunog din ang isang residential area sa bahagi ng Ilang-Ilang Street sa Barangay Pulang Lupa Dos.
Nagsimula ang sunog bago mag alas onse ng gabi na umabot sa unang alarma at naideklarang under control alas 11:13 ng gabi.
Aabot sa walong pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog na sanhi ng napabayaang kandila.
Samantala, kaninang bago mag alas 3:00 ng madaling araw, sumiklab din ang sunog sa Barangay 34 Caloocan City.
Umabot din sa unang alarma ang sunog bago naideklarang fire out alas 3:17 ng madaling araw.
Inaalam pa kung ilang pamilya ang naapektuhan ng sunog at magkano ang halaga ng pinsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.