3 patay sa anti-drug ops sa ilalim ng Jones bridge

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang tatlong hinihinalang drug pusher, matapos na nakipagbarilan umano sa mga otoridad na nagkasa buy-bust operation sa ilalim ng Jones bridge, sa Binondo, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Leandro Gutierrez, Binondo, nagkaabutan na ng pera at shabu nang makatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon, kayat agad na bumunot ng baril ang mga ito at nakipagbarilan sa mga otoridad na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Ang tatlong suspek at nakilala lamang sa mga alyas na Dodong, Ega at Cyrel na target ng operasyon.

Nakuha sa crime scene ang ilang sachet ng iligal na droga, 3 baril na ginamit ng mga suspek at ilang basyo ng bala na mula sa di pa malamang kalibre ng baril.

Read more...