Oust Robredo plot, hindi totoo-Palasyo

 

Inquirer file photo

Pinabulaanan ng Malacañang ang mga paratang ng umano’y planong pagpapatalsik kay Vice President Leni Robredo sa kaniyang pwesto bilang ikalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, wala siyang nalalaman tungkol sa sinasabing plano.

Gayunman, posible aniyang sariling opinyon ito ni Robredo, ngunit sa abot ng kaniyang mga nalalaman bilang bahagi ng Gabinete, wala namang ganoong plano.

Nang tanungin naman si Abella kung nais ba ng pangulo na manatili si Robredo bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), bagaman nais aniya ng pangulo na naroon si Robredo, desisyon pa rin nito ang kaniyang pag-alis.

Nilinaw naman ni Abella na sinabihan lang si Robredo na huwag nang pumunta sa mga Cabinet meetings.

Maari naman sanang hindi na umalis si Robredo sa kaniyang pwesto dahil kaya naman niyang gawin ang kaniyang trabaho kahit hindi miyembro ng official family ng pangulo.

Iginiit rin ni Abella na walang personalan na naganap sa desisyon ng pangulo at na nananatili pa rin ang kaniyang respeto sa pangalawang pangulo.

Read more...