P0.25 na kaltas sa presyo ng diesel, ipatutupad ngayong araw

 

Inquirer file photo

Matapos ang big time na dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo, sinundan naman ito ng katiting na kaltas sa presyo ng diesel ngayong araw.

Sa magkakahiwalay na anunsyo ng mga oil companies, magpapatupad ng P0.25 na kaltas sa presyo ng diesel ang mga kumpanyang UniOil epektibo alas-6:00 ng umaga, habang kanina pang alas-12:01 ng hatinggabi nagpatupad ang Eastern at Flying V.

Sa pinakahuling datos ng Department of Energy, pumapalo ng mula P25.75 hanggang P29.32 ang kada litro ng diesel ngayon.

Read more...