Duterte sa oposisyon: “Hintay lang kayo”

By Kabie Aenlle December 06, 2016 - 04:36 AM

 

duterte japanNanatiling tahimik si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Hindi nabanggit ni Duterte ang pangalawang pangulo, o anumang may kaugnayan sa pagre-resign nito sa kaniyang talumpati sa tradisyunal na seremonya ng pag-iilaw sa Christmas tree sa Malacañang.

Gayunman, nanawagan naman si Duterte sa “oposisyon” na maghintay lamang sa kanilang tamang oras, dahil naging abala ang kaniyang administrasyon sa pagharap sa mga problema ng bansa.

“To the opposition, just wait for your time. Anyway … You’ve had your days,” ani Duterte.

Hindi naman partikular na tinukoy ni Pangulong Duterte kung anong grupo ang tinawag niyang oposisyon o kung sinu-sino ang mga bumubuo dito.

Matatandaang nag-bitiw sa pwesto si Robredo matapos siyang sabihan ni Cabinet Sec. at ngayo’y HUDCC chair Jun Evasco, na huwag nang dumalo sa mga Cabinet meetings dahil sa kanilang “irreconcilable differences” ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.