Sunog, sumiklab sa Pasig

By Jong Manlapaz December 05, 2016 - 11:52 PM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Kontrolado na ng Pasig Bureau of Fire Protection ang sunog na naganap sa #2664 Rodriguez compound, Rosario Pasig na umakyat hanggang sa ikalimang alarma.

Sa spot investigation, lumalabas na nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Mrs. Beatriz C. Andaman, 64-anyos, dakong alas-11:16 ng gabi.

Kuha ni Jong Manlapaz

Umakyat sa ikalimang alarma ang sunog bandang 9:50pm at idineklara ng under control.

Umaabot naman sa sampung bahay ang tinupok ng apoy at nasa labing llimang pamilya ang naapektuhan.

Hanggang ngayon, inaalam pa rin ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog at umabot naman sa kalahating milyong piso ang ari-arian na tinupok ng apoy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.