Ping Medina inalis sa “Bubog”, kapatid na si Karl ang pumalit

By Mariel Cruz December 05, 2016 - 08:13 PM

baron-geisler-at-ping-medinaHindi na rin magiging bahagi ng pelikulang “Bubog” na kamakailan ay naging kontrobersyal ang aktor na si Ping Medina.

Sa Facebook post ng direktor ng pelikula na si Arlyn Dela Cruz, nakasaad na ang panganay na kapatid ni Ping na si Karl Medina na ang gaganap sa kanyang karakter.

Nagpasalamat si Dela Cruz sa pagtanggap ni Karl sa naturang karakter at sinabi rin ng direktor na isang karangalan na maka-trabaho ang magkapatid.

Sinabi rin ni Dela Cruz sa kanyang pahayag na natapos na nila kagabi ang reshoot para sa opening scene ng nasabing pelikula.

Kasabay nito, pinasalamatan din ni Dela Cruz ang mga artista na sina Jackielou Blanco, Julio Diaz, Allan Paule, at Juan Rodrigo sa pagpunta sa set sa kabila ng mga lumutang na pahayag laban sa direktor na ginawa ng mga taong hindi muna nag-imbestiga o inalam ang totoong nangyari bago magsalita.

Simula ngayon aniya ay hindi na tatanggap ng anumang panayam ang direktor ukol sa nasabing isyu.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Dela Cruz na patuloy pa rin siyang gagawa ng mga pelikula.

Matatandaang naging kontrobersyal ang “Bubog” matapos ihian ni Baron Geisler si Ping sa gitna ng isang shoot ng pelikula.

TAGS: Arlyn dela Cruz, Baron Geisler, Bubog, kalr, Ping Medina, Arlyn dela Cruz, Baron Geisler, Bubog, kalr, Ping Medina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.