Evasco itinalaga bilang bagong pinuno ng HUDCC

evasco-0822
Inquirer file photo

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabinet Secretary Jun evasco bilang bagong Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Papalitan ni Evasco ang nagbitiw na si Vice President Leni Robredo matapos iutos ng pangulo na huwag nang dumalo si Robredo sa mga cabinet meeting.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, magsisilbing HUDCC chairperson si Evasco bukod pa sa kasaluukuyang posisyon nito bilang cabinet secretary.

Samantala, sinabi naman ni Evasco na gaya ni Robredo na ang irreconcilable differences ang rason kung kaya pinagbawalan na rin ng pangulo si Commission on Higher Education Chairperson Patrica Licuanan na dumalo sa mga cabinet meeting.

Nauna nang sinabi ni Duterte na mabigat ang kanyang loob na tinanggap ang pag-alis ni Robredo ni housing czar.

Read more...