Robredo: Hindi ko ipipilit ang aking sarili
Hinamon ni Vice President Leni Robredo ang publiko na maging mapagmatyag para tiyaking hindina muli pang maibabalik ang diktadurya sa ating bansa.
Sinabi rin ni Robreredo na may ilang mga hakbang na ginagawa para nakawin ang pwesto sa kanya bilang pangalawang pangulo ng bansa.
Sa kanyang ipinagtawag na press conference, sinabi ng opisyal na isang tawag noong Biyernes ang tinanggap ng kanyang staff na nagsasabing inabisuhan siya ng Office of the Cabinet Secretary na huwag na siyang dumalo sa mga pulong ng gabinete.
“Sinabi ko sa aking tauhan na pupunta pa rin ako sa cabinet meeting dahil wala naman tayong natatanggap na official letter”, ayon kay Robredo.
Nagtext rin umano siya kay Presidential Special Assistant Bong Go para kumpirmahin kung talagang pinagbabawalan na siyang dumalo sa mga cabinet meeting subalit wala umano siyang natanggap na sagot.
Kahapon ay isang text mula kay Cabinet Sec. Jun Evasco ang nakarating sa kanya na nagsasabing bawal na siyang dumalo sa mga pulong ng gabinete.
Aminado si Robredo na hindi niya magagampanan ang kanyang trabaho kundi siya dadalo sa mga pulong ng gabinete kaya nagpasya na siyang bitawan ang pwesto bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Malinaw naman ang mensahe ayon sa opisyal kaya hindi na niya ipipilit ang sarili sa administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.