Ronnie Dayan hindi pinayagang makalabas sa gusali ng Senado

By Den Macaranas December 05, 2016 - 04:52 PM

Ronnie-Dayan12Pansamantalang mananatili muna sa gusali ng Senado si Ronnie Dayan makaraang siyang patawan ng citing for contempt ni Sen. Manny Pacquiao.

May kaugnayan ito sa umano’y pagsisinungaling at pabago-bagong pahayag ni Dayan sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Ayon kay Pacquiao, “I move that Mr. Dayan be held in contempt. Marami kang kasinungalingan, sabi mo wala kang number ni Kerwin Espinosa, tapos ngayon sinabi mo na binigay sayo ni Senator De Lima ang number”.

Sinabi ni Pacquiao na imposibleng iisang drug lord lang ang kausap ni Dayan na tulad ni Kerwin Espinosa at taliwas umano ito sa mga naging pahayag ng ilang mga testigo na nagsabing kolektor ng pera ni Sen. Leila De Lima ang kanyang dating driver at lover.

Nag-mosyon naman si Sen. Tito Sotto na dapat umanong ilipat sa Building 14 ng maximum security compound sa New Bilibid Prisons si Dayan.

Aminado si Sen. Ping Lacson na siyang pinuno ng komite na halatang may mga itinatagong impormasyon si Dayan sa kanyang ginawang pagharap sa Senado.

Ipinaliwanag ni Lacson na pag-uusapan ng mga kasapi ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs  sa kung ano ang kanilang gagawin kay Dayan.

TAGS: dayan, lacson, Pacquiao, Senate, Sotto, dayan, lacson, Pacquiao, Senate, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.