Sinalungat ni Sen. Ping Lacson, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang obserbasyon ni Sen. Antonio Trillanes na dapat sisihin ang pangulo dahil sa pagpkakanlong nito sa suspected drug lord na si Peter Lim.
Nauna nang sinabi ni Trillanes na hindi pwedeng idiin sa drug trade si Sen. Leila De Lima dahil sa nakasama lamang niya sa litrato sa Baguio City ang drug lord na si Kerwin Espinosa.
Sinabi ni Espinosa at Ronnie Dayan na sa Baguio City naganap ang pagbibigay ng pera ng drug lord kay De Lima pero magkaiba sila ng taon na sinasabi kung kailan naganap ang payoff.
Sa pagdinig ng Senado ay ipinakita ni Trillanes ang litrato ni Duterte kasama si Co kung saan ay kanyang sinabi na pwede na rin itong gamitin na patunay laban sa pangulo.
Kaagad namang sumagot si PNP Chief Ronald Dela Rosa at sinabi niyang gumagawa na sila ng malalimang imbestigasyon laban kay Co at hindi rin umano alam ng pangulo na sangkot ito sa droga.
Binigyan din umano sila ng instruction ng pangulo na patayin si Co kapag napatunayang drug lord at lumaban sa mga otoridad.
Sinabi naman ni Lacson na hindi pwedeng ikumpara ni Trillanes ang litrato nina Espinosa at De Lima sa larawan nina Duterte at Co dahil wala namang inilabas na sworn statement si Co na nagsasabing nagbigay siya ng pera sa pangulo.
Kabaliktaran umano ito ang pahayag nina Dayan at Espinosa na nagsabing tumanggap ng drug money si De Lima.