Dayan at Espinosa pinilit na magsinungaling ayon kay De Lima
Tahasang sinabi ni Sen. Leila De Lima na pinilit ng ilang personalidad sina Kerwin Espinosa at Ronnie Dayan na tumestigo laban sa kanya.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kinompronta ni De Lima si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.
Sinabi ni De Lima na malinaw na may sinusunod na “script” para idiin siya at ilang mga tao sa kampanya ng gobyerno kontra sa iligal na droga.
Pinilit umano ang dalawa na magsinungaling sa kanilang pagharap sa pagdinig sa Senado at Kamara.
Kinuwestyon din ni De Lima ang naging papel ni Sandra Cam sa pagsundo kay Espinosa mula sa Abu Dhabi.
Si De Lima ang tumatayong pangulo ng Whistleblowers Association of the Philippines.
Sa kabuuan ng kanyang pagharap sa pagdinig ay ilang beses na nagtaas ng boses si De Lima kay Dela Rosa habang tinatanong ang PNP official kung bakit naibalik ang sinibak na pinuno ng Criminal Investigationa and Detection Group (CIDG) Region 8 na si Supt. Marvin Marcos.
Inamin ni Dela Rosa na si Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang tinutukoy na kumpare na tumawag sa kanya para maibalik sa pwesto ang pinuno ng CIDG 8.
Pero nilinaw ni Dela Rosa na gusto lamang ng pangulo na matunton ang pagkakasangkot ni Marcos sa illegal drug trade kaya siya ibinalik sa dating posisyon pero makaraang mapatay si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. ay sinibak rin siya sa pwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.