VP Robredo, malaking kawalan sa Duterte admin ayon kay Akbayan Party List Rep. Tom Villarin
Malaking kawalan sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na nagresign bilang chairman ng chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council O HUDCC.
Sinabi ni Akbayan Party List Rep. Tom Villarin, kakaunti na lamang ang natitirang matitinong opisyal na naglilingkod sa Duterte administration, at ngayo’y tuluyan nang nawala si Robredo.
Nakadidismaya rin aniya na ginawang pagtrato ni Presidente Duterte kay Robredo.
Halatang-halata din umano na highly-partisan ang administrasyon, dahil kinakalaban ni Robredo ang mga maling pahayag ng pangulo.
Malinaw din na kating-kati na si Duterte na maibalik sa kapangyarihan ang mga Marcos, sa pamamagitan ng pagpwesto kay dating Senador Bongbong Marcos sa gobyerno.
Sa kabila nito, naniniwala si Villarin na tama ang pasya ni Robredo dahil magiging mas malaya na siya.
Suportado rin ni Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao ang pagbibitiw ni Robredo sa gabinete.
Pinatuyan daw ni Robredo na matapang siya at may paninindigan sa kanyang mga ipinaglalaban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.