Closure order, isinilbi na ng PAGCOR sa Fontana casino sa Clark na pag-aari ni Jack Lam

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2016 - 10:40 AM

Fontana, PampangaNaisilbi na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) closure order sa Fontana casino sa Clark Freeport, Pampanga.

Kasama ng mga tauhan ng PAGCOR ang mga otoridad mula sa Angeles Police Office at regional Criminal Investigation and Detection Group nang isilbi ang nasabing kautusan.

Sa harap ng casino, ipinaskil ang closure order, kung saan nakasaad na ang pagsasara ay effective immediately habang isinasagawa ang imbestigasyon ng Department of Justice sa alegasyon illegal o hindi lisenasyado ang online gaming operations ng kumpanya at ang umano ay pag-hire nito ng mga dayuhan ng walang karampatang permits.

Nilinaw naman ng CIDG na tanging ang casino lamang ang sakop ng closure order at hindi ang iba pang establisyimento sa Fontana sa Clark.

Tinatayang nasa 500 na manggagawa nito ang apektado ng nasabing closure order.

 

TAGS: Clark Pampanga', department of justice, Fontana casino, Clark Pampanga', department of justice, Fontana casino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.