Isa sa pinangalanang supplier ng shabu ni Kerwin Espinosa, sumuko sa PNP

Kuha ni  Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald Dela Rosa na sumuko sa kaniya ang isa sa mga pinangalanan ni Kerwin Espinosa na supplier niya ng shabu.

Nagtungo sa Camp Crame si Lovely Adam Impal para personal na sumuko kay Dela Rosa, ngayong Lunes ng umaga.

Si Impal, kasama sina Jeffery “Jaguar” Diaz, Peter Lim at Peter Co ay kabilang sa mga napangalanan ni Espinosa sa pagdinig ng senado na suppliers niya ng shabu.

Sa kaniyang pagharap sa ikalawang pagdinig ng senado hinggil sa pagkamatay ni Albuera Mayor Roalndo Espinosa Sr., kinumpirma ni Dela Rosa ang pagsuko ni Impal.

Hindi naman na nagbigay ng iba pang impormasyon si Dela Rosa tungkol kay Impal na ngayon ay nasa kostodiya ng PNP-Anti Illegal Drugs Group.

 

 

 

Read more...