Prime Minister ng New Zealand at Italy, kapwa nagbitiw sa pwesto

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2016 - 09:28 AM

John Key and Matteo RenziMagkasunod na nag-anunsyo ng kanilang pagbibitiw sa pwesto ang prime minister ng New Zealand at Italy.

Kinumpirma ni New Zealand Prime Minister John Key na magbibitiw na siya sa pwesto epektibo sa December 12 dahil panahon na aniya para iwan niya ang pwesto.

Binanggit din nito ang “family reasons” bilang dahilan ng pagbibitiw.

Walong taon na nanilbihan sa pwesto si Key.

Sa susunod na linggo ay nakatakdang magpulong ang National Party na kinabibilangan ni Key para maghalal ng bagong leader.

Samantala, inanunsyo din ni Italian Prime Minister Matteo Renzi ang nakatakda niyang pagbibitiw sa pwesto matapos ang pagktalo sa referendum ng kaniyang partido.

Natalo ng 20 puntos ang ‘Yes’ camp ni Renzi sa isinagawang referendum at sinabing bilang pagtanggap sa ‘full resonsbility’ ay iiwan na niya ang pwesto.

 

TAGS: italy, John Key, Matteo Renzi, New Zealand, italy, John Key, Matteo Renzi, New Zealand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.