Sumiklab ang sunog noong Biyernes ng hatinggabi sa dalawang palapag na warehouse sa Fruitvale, habang nasa 100 katao ang nasa loob para sa isang dance music show.
Ayon kay Alameda Countu Sheriff, Sgt. Ray Kelly, marami pang nawawala.
Ang nasabing gusali ay mayroon lamang permit bilang isang warehouse, at hindi pwedeng tirahan o gamitin bilang isang entertainment space.
Ayon sa mga bumbero, karamihan sa mga nasawi ay na-trap dahil hindi sila nakalabas sa makipot na daanan ng gusali.
Patuloy din ang pag-galugad sa iba pang bahagi ng gusali, at hindi pa natutukoy kung ano ang sanhi ng sunog.
Karamihan sa mga biktima ay nasa edad 20 hanggang 30.