Patay sa sunog sa isang dance party sa California, umabot na sa 30

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2016 - 08:03 AM

Fruitvale Oakland CaliforniaUmakyat na sa tatlumpu ang nasawi sa trahedyang naganap sa isang late-night dance party sa Oakland, California.

Sumiklab ang sunog noong Biyernes ng hatinggabi sa dalawang palapag na warehouse sa Fruitvale, habang nasa 100 katao ang nasa loob para sa isang dance music show.

Ayon kay Alameda Countu Sheriff, Sgt. Ray Kelly, marami pang nawawala.

Ang nasabing gusali ay mayroon lamang permit bilang isang warehouse, at hindi pwedeng tirahan o gamitin bilang isang entertainment space.

Ayon sa mga bumbero, karamihan sa mga nasawi ay na-trap dahil hindi sila nakalabas sa makipot na daanan ng gusali.

Patuloy din ang pag-galugad sa iba pang bahagi ng gusali, at hindi pa natutukoy kung ano ang sanhi ng sunog.

Karamihan sa mga biktima ay nasa edad 20 hanggang 30.

TAGS: California fire, dance party fire incident, California fire, dance party fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.