Presyo ng Diesel, bababa bukas

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2016 - 06:22 AM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Matapos ang big time oil price hike na ipinatupad noong nakaraang linggo, may kakarampot na pagbaba sa presyo ng kada litro ng diesel bukas.

Nasa 20 hanggang 30 centavos ang mababawas sa kada litro ng diesel, habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina at kerosene.

Noong nakaraang Martes, nagdagdag ang mga kumpanya ng langis ng P1.50- sa kada litro ng gasolina, P1.20 sa kada litro ng diesel at P1.40 sa kada litro ng kerosene.

Dahil sa nasabing big-time oil price hike, pumalo na sa mahigit P30 ang presyo ng kada litro ng diesel at mahigit P42 naman ang presyo ng kada litro ng gasolina sa mga malalaking kumpanya ng langis.

 

TAGS: oil companies, oil price, oil price monitoring in Philippines, oil price rollback, oil companies, oil price, oil price monitoring in Philippines, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.