24 na ang patay sa sunog sa bodega na ginawang nightclub sa Oakland
Pumalo na sa 24 ang nasawi sa sunog sa isang bodega na ginawang nightclub sa Oakland, California.
Gayunman, malaki pa rin ang posibilidad na madagdagan pa ang naturang bilang dahil sa may ilan pang parukyano ng establisimiyento ang pinaghahanap.
Kinumpirma ng Alameda County Sheriff’s Office na nagpapatuloy ang search and retrieval operations sa lugar na pinangyarihan ng sunog.
Ang nightclub, na kilala sa pangalang ‘Ghost Ship’ ay nagsisilbing ‘workspace’ ng ilang mga artist at tirahan ng nasa isang dosenang katao.
Gayunman, noong Byernes, nagsimulang tupukin ng apoy ang bodega na ginawang nightclub sa kasagsagan ng isang electronic dance music party.
Ayon sa mga otoridad, posibleng nasa pagitan ng 50 hanggang isandaang katao ang nasa loob ng bodega nang maganap ang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.