Bohol, nakaranas ng 20 oras na blackout

By Angellic Jordan December 04, 2016 - 04:31 PM

final boholTumagal ng karagdagang pitong oras mula sa nakatakdang labing tatlong oras na blackout ang probinsiya ng Bohol.

Ito ay bunsod ng pagkabigong maabot ng mga maintenance worker ang restoration target sa nasabing probinsya.

Ayon sa sources sa National Grid Corporation of the Philippines, “stability testing” at “energization sequence” ang naging sanhi ng pagka-antala ng energy restoration.

Nagtakda ng 13-hour power outage sa buong probinsya dahil sa isinagawang maintenance operation ng energy supply sa lalawigan ng Leyte sa Eastern Visayas.

Nagsimula ang blackout alas kwatro nang umaga at inasahang maibabalik bandang alas singko ng gabi kinabukasan.

Ngunit, bigong nagawa ang target ng NDCP kaya’t 12:27 na nang tanghali kanina nanumbalik ang kuryente sa Bohol.

Samantala, napilitan namang magsara ang mga establisiymento na walang generator habang nagsipagsindi naman ng kandila ang mga market vendor.

TAGS: 20-hour blackout, Bohol, National Grid Corporation of the Philippines, 20-hour blackout, Bohol, National Grid Corporation of the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.