Aguirre, dumepensa sa utos na pag-aresto kay Jack Lam
Idinepensa ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police na arestuhin ang negosyanteng si Jack Lam.
Paliwanag ng kalihim, maaring arestuhin si Lam kahit wala pang kasong nakabinbin o isinampa laban dito.
Sinabi ni Aguirre na sapat nang patayan para hulihin din si Lam matapos maaresto ang mahigit 1,300 mga undocomunted Chinese workers sa kaniyang casino.
Si Lam ay may nilabag umanong batas hinggil sa panunuhol at economic sabotage.
Iyon umano ay maituturing ayon kay Aguirre na continuing offense, kayat kahit walang wala pang pormal na kaso na nakahain laban sa kanya ay maari na itong hulihin.
Sinabi din ng kalihim na ang pagpapatakbo ng illegal gambling ay isang continuing offense at sinuman na lumalabag dito ay pwede restuhin kahit walang warrant.
Pahayag ni Aguirre na posible ang PNP o NBI ang magsasampa ng kaso laban kay Lam sa Department of Justice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.