Pilipinas, nangako ng suporta sa Bangladesh kaugnay sa $81 million stolen fund

By Angellic Jordan December 04, 2016 - 04:23 PM

Inquirer photo
Inquirer photo

Siniguro ng Pilipinas sa gobyerno ng Bangladesh ang buong pagtulong na marekober ang walumpu’t isang milyong dolyar na nanakaw sa Central Bank of Bangladesh.

Sa inilabas na pahayag ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III, pakay ng ahensiya, katuwang ang Department of Justice, sa pagsuporta dito.

Hinihikayat din nito ang mga ahensiyang nagsagawa ng hiwa-hiwalay na imbestigasyon na ibahagi ang resulta sa naganap na nakawan sa DOJ at Anti-Money Laundering Council.

Dagdag pa nito, ipagpapatuloy ng Pilipinas ang proseso ng pagpapabalik ng naturang pondo batay na rin sa batas ng bansa.

Dahil dito, nagparating ng pasasalamat si Justice Parliamentary Affairs Anisul Hug, Minister of Law ng Bangladesh, sa pagsasauli ng Pilipinas ng mahigit 15 million dollars sa bansa.

Samantala, humiling naman si Nestor Espenilla, Deputy Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sa mga opisyal ng Bangladesh na isumite ang resulta ng sariling imbestigasyon nito upang mapalakas ang posisyon ng gobyerno sa naturang kaso.

TAGS: $81 million stolen fund, Bangko Sentral ng Pilipinas, Central Bank of Bangladesh, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Justice Parliamentary Affairs Anisul Hug, $81 million stolen fund, Bangko Sentral ng Pilipinas, Central Bank of Bangladesh, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Justice Parliamentary Affairs Anisul Hug

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.