Isang bangkay, natagpuan sa bahagi ng Lawton, Maynila

By Angellic Jordan December 04, 2016 - 02:15 PM

Crime scene2Natagpuan ang madugong bangkay ng hindi pa nakikilalang babae sa bahagi ng Lawton sa Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may taas na 5’4” at may edad na bente singko hanggang trenta ang biktima na nakasuot ng t-shirt at gray shorts nang makita ng mga awtoridad.

Ayon sa saksi na si Mariana Gabriel, huli niyang nakita ang biktima na may kausap na lalaking nakasuot ng dark blue shirt at pantalon.

Kwento pa nito, nakita niyang nagtatalo ang dalawa at sinabing “Natoy, bakit mo ako ginaganyan?” isang oras bago nakita ang bangkay.

Sa mga natanggap na ulat, nagtamo ng trauma sa ulo ang biktima ngunit hindi pa rin malinaw ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pagkakailanlan ng biktima.

TAGS: Lawton, Lawton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.