De Lima, humiling sa DOJ na mag-inhibit sa 4 reklamo sa kanya

de-limaHiniling ni Senator Leila De Lima sa panel of prosecutors ng Department of Justice na may hawak ng kaso ng Bilibid Drug Trade na mag-iinhibit sa apat na reklamong inihain laban sa kaniya.

Ito ay sa pamamagitan ng isinumiteng Omnibus Motion ng kampo ng senadora.

Sa kaniyang mosyon, iginiit ni De Lima na mahalagang magkaroon ng patas at independyenteng imbestigasyon sa mga nasabing kaso.

Mas mainam aniya na idulog na lamang ang mga reklamo sa Office of the Ombudsman na may exclusive authority para siya ay imbestigahan.

Ipinaliwanag ng senadora, sa ilalim ng Ombudsman Act, lahat ng mga paratang na paglabag ay tumutukoy sa kaniyang pagiging opisyal sa gobyerno kaya ang mga kaso laban sa kanya ay pasok sa exclusive at original jurisdiction ng Ombudsman.

Read more...