Lam, posibleng may nilabag na batas ayon kay Aguirre

By Ricky Brozas December 04, 2016 - 02:09 PM

aguirre01-e1474561136168Hindi inaalis ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang posibilidad na may nalabag sa batas ang gambling operator na si Jack Lam na may-ari ng Fontana Leisure and Water Park sa Angeles City, Pampanga.

Ito ay dahil na rin sa pagpayag ni Lam na mag-operate sa loob ng Fontana ang mga online gambling na walang lisensya mula sa PAGCOR.

Si Lam ay kumikita umano mula sa komisyon sa kita ng mga nasabing online gaming operator.

Pero ang reklamo ay dapat umanong ihain ng kaukulang ahensya ng gobyerno.

Dapat umaong mainbestigahan kung may paglabag sa prangkisa ang Fontana na pinayagang mag-operate bilang casino dahil sa pagpapahintulot na magamit ang kanyang resort ng mga illegal alien na wala pang lisenya para mag-operate ng online gaming.

Naniniwala rin si Aguirre na dekada nang nagaganap ang ganitong kalakaran.

Dahil walang lisensya, napagkakaitan din kasi ang gobyerno ng kita mula sa proceeds ng operasyon ng online gaming.

Sinabi ni Aguirre na bagamat may alok na suhol sa kaniya ang kampo ni Lam sa pamamagitan ni Retired General Wally Sumbrero, hindi umano ito sapat na batayan para magsulong ng legal na hakbang.

Sa kanya kasing palagay ang nasbaing pagtatangka ay hindi pa maituturing na “overt act” para pagbatayan ng reklamo.

TAGS: Jack Lam, Vitaliano Aguirre, Jack Lam, Vitaliano Aguirre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.